Imprentra

Bakit laging late ang layout? Layout Scheduling

May daily limit ng layout slots ang bawat araw, shared ng lahat ng branch. I-book ang order sa araw na may open slot, at makita agad kung kailan Full na.

Watch the video on YouTube

Chapters

Sa Layout Scheduling, may daily limit ng layout slots ang bawat araw, at shared ito ng lahat ng branch. Kaya bago ka mangako ng "bukas po ang layout", kita mo kung may slot pa.

Hakbang

  1. Pumunta sa Work › Layout Scheduling.
  2. Tingnan ang linggo. Sa bawat araw, makikita kung ilan ang booked at ilan pa ang open. Sa itaas, kung ilang slots pa ang bukas ngayong linggo at kung kailan ang next open day.
  3. Sa Needs a layout date, hanapin ang order. Nandito ang mga active order na wala pang layout date, o lumipas na ang layout date. May tag na Overdue ang mga lampas na.
  4. Piliin ang araw sa itaas, tapos pindutin ang Schedule sa order. Puwede ring i-drag ang order papunta sa araw na open.
  5. Sa Confirm the layout date, tingnan ang petsa, tapos pindutin ang Save layout date.
  6. I-click ang isang araw para makita ang mga naka-book doon, at kung ilan ang galing sa bawat branch.

Kapag Full na ang araw

Kapag naubos ang slots, Full ang nakalagay sa araw, at sasabihin ng page: "Fully booked. Move an order or raise the limit to add a slot." Ituturo rin ng summary sa itaas ang next open day.

Para ilipat ang isang naka-book na order, buksan ang ⋯ sa row nito at piliin ang Reschedule.

Hindi ito due date

Ang layout date ay hindi due date. Hindi ginagalaw ng pag-book dito ang production deadline ng order.

Capacity settings

  • Shared daily layout limit — ang limit para sa lahat ng araw, sa lahat ng branch.
  • Limit for (napiling petsa) — piliin ang Custom limit para baguhin ang limit ng isang petsa lang. Ilagay ang 0 para isara ang petsa. May Reset to default para ibalik.

Tanungin si Chroma

Sa Chroma panel (BETA) ng page: Find the next open date, Suggest an order to move, Raise the daily limit, at Walk me through this page.

Related tutorials

Ready to manage your printing business? Try Imprentra Free.