Imprentra

Paano gawing required ang detalye ng order

May order na walang due date o material? Piliin kung anong detalye ang kailangang punan ng staff bago ma-save ang bagong order.

Watch the video on YouTube

Chapters

Kapag kulang ang detalye ng order, babalikan mo pa ang customer bago makapagsimula ang production. Sa Required order details, ikaw ang pipili kung anong detalye ang hindi puwedeng laktawan bago ma-save ang bagong order.

Bago magsimula

  • Kailangan mo ng access sa Settings ng workspace.
  • Apat na detalye ang laging required at hindi na kailangang i-on: Client, Product / item description, Quantity at Unit price.

Mga hakbang

1. Buksan ang Required order details

  1. Sa Settings, sa ilalim ng Production, i-click ang Required order details.
  2. Makikita mo ang dalawang grupo: On the order (isang beses para sa buong order) at On each item (para sa bawat item).

2. I-on ang kailangan

  • On the order: Category, Due date, Assignees, Pickup / delivery at Special instructions.
  • On each item: Size, Material, Paper type, Color, Finishing, Binding, Layout at Printer.

I-click ang switch ng detalyeng gusto mo. Magiging Required ito, pero "not saved" pa.

3. I-save

  1. Lalabas ang bar na nagsasabi kung ilan ang unsaved changes.
  2. I-click ang Save changes. Kung nagbago ang isip mo, i-click ang Cancel at babalik ang mga switch.
  3. Makikita mo ang "Required order details saved. Applies to new orders only."

4. Tingnan sa New job order

  1. Sa bagong order, may Required na at pulang star ang mga detalyeng in-on mo.
  2. Kapag kulang ang isa at pinindot ang Create Job Order, hindi mase-save ang order.
  3. Nakasulat kung ilan ang aayusin, halimbawa "3 things to fix", at naka-pula ang bawat kulang, gaya ng "Due date is required."

5. Ibalik sa optional kung kailangan

Balikan ang Required order details, i-off ang switch, at i-click ang Save changes.

Paalala

  • Para sa mga bagong order lang ito. Hindi nito binabago ang mga order na na-save na.
  • Ang naka-off, optional pa rin.

Transcript

Hi! Ako si Chroma. Nangyari na ba sa shop mo: may bagong order, pero walang due date, at hindi alam kung anong material? Ngayon, ituturo ko kung paano gawing required ang mga detalyeng 'yan bago ma-save ang order. Sa Settings, buksan ang Required order details. Apat ang laging required: Client, item description, quantity, at unit price. Ang iba, ikaw ang pipili. May para sa buong order, gaya ng Due date at Pickup or delivery. At may para sa bawat item, gaya ng Size, Material, at Finishing. Halimbawa, i-on natin ang Due date, Pickup or delivery, at Material. Lalabas ang Required, pero not saved pa. Pindutin ang Save changes. Naka-save na, at para lang ito sa mga bagong order. Ganito na ngayon sa New job order. Kapag kulang ang detalye at pinindot ang Create Job Order, hindi mase-save ang order. Nakasulat kung ilan ang aayusin: three things to fix. At naka-pula kung alin: Material, Due date, at Pickup or delivery. Tip: ayaw mo na? I-off lang ang switch at i-save. Babalik ito sa optional. Ikaw ang pipili kung anong detalye ang hindi puwedeng laktawan.

Ready to manage your printing business? Try Imprentra Free.